Friday, November 26, 2010

ang Misteryo ng matandang pulubi


I was browsing my multiply account a while ago, stone age na...feeling ko binubuksan ko ang isang bahay na ilang years ng walang nakatira, puro alikabok, sapot ng gagamba at dumi. Then i happened to see this one. last year pa to, and i decided to repostit here. =)

Last wed, May 20, 2009

Dahil na rin siguro sa pagod, antok at inip, tahimik ako buong byahe pauwi. Tuwing gabi, mahigit mga 1hour- 1:30Hrs ang byahe galing sa makati pauwi samin. Ako, si mayette, si joal, candylou at jay, halos gabi gabi kasi sila ang mga kasabay ko pauwi. Usually kulitan, picturan at kwentuhan ang ngyayari pauwi ng bahay. magkakapareho lang kasi kami ng daan pero kakaiba ako ng gabing yun, malalim kasi iniisip ko nun (oo, nagiisip din namn kasi ako paminsan minsan).

PAgkadating sa munoz, baba na kaming lahat pwera kay candylou. Hihiwalay narin ang magkapatid na diaz (mayete at joal), at dahil magkalapit bahay lang kami ni jay, nagabang kami ng jeep. Hangga't sa nakasakay kmi at nsa bandang pintuan ako. Malalim parin ang nsa isip ko (di na maarok). Sa may lumang gasolinahan sa may amin, may nakita akongmatandang pulubi, mahaba ang buhok, andumi, halatang di na nakapaligo nang isang taon, pudpod na ang sapatos, butas butas na ang mga damit at di mo na mabilang sa daliri ang wrinkles sa mukha nya.Nadadaanan namin ang lumang gasolinahan araw araw pauwi.

Bglang huminto ang jeep. "Manong, bilisan nyo, baka sumakay pa tong mamang to sa jeep at dun uupo sa tapat ko, madungis kasi" yun ang nsa isip ko habang nagtataka kung bakit huminto ung jeep sa may lumang gasolinahan. The reason kung bakit siya huminto ay may sasakay palang isang lalakeng nakapula. habang sumasakay ung lalake, nakatingin parin ako sa mamang pulubi. Iniisip kung bakit siya ngkaganun.

a. probinsyano kaya ito na nanakawan n pera at damit at celphone pagkarating nya sa manila, namulubi dahil wala namn siyang kilala d2?

b. iniwan kaya ito ng pamilya nya or siya ang kusang umalis?

c. sadyang hirap na hirap na talga siya at wala ng makain kaya nabaliw

Habang nsa isip ko ang mga choices na iyan, laking gulat ko ng bglang tumingin sakin ang matanda, pinandilatan nya ako ng mata animo'y kinakausap ako na di ko maintndhan. Nakahinto parin ang jip at ang matanda ay nakatingin parin sakin. Di ko maalis ang tingin ko rin sa knya habang umandar na ang jip. Si Jay, nakaupo sa may bandang kanan ko ay bgla kong kinausap.. "Grabe namn tong matandang yun, kinilabutan ako, kung makatitig parang akala mo may ksalanan ako sa knya.." sabay ngiti..

"anong matanda? asan?" sabi ni jay. "Ayun oh, nakatingin parin hanggang ngaun" sagot ko habang papalyo ang jeep.

"whapak!!! (hampas sa braso) Wag kang ganyan bro! kanina pa ako nakatingin sa may kalye. wala naman ako nakikita".

"eh ano tawag mo dun" habang papalayo na at di ko na makita ung matanda.. " Tumawa lang si jay.

"weeeee!!! wag mo nga akong pinagloloko! pinagttritripan mo lang ata ko. loko ka! " sabay tawa ng malakas habang sinsabi ko un kay jay.. Pero kahit anong pilit ko, pingdidiinan nya parin na wala talaga siyang nakita after nung sumakay yung lalakeng nakapula. Kinilabutan ako dahil nakatiningin na pala ung mga tao sa jeep sa akin na animoy nakukuha ko ung mga mensahe sa mata nila na pati sila wala ring nakita..

nagmistulang misteryo para amin kung sino ang lalakeng iyon. ang alam ko, klarong klaro ang mukha at sigurado akong tao yun.


tonight 11:42pm, May 22, 2009


(sa harap kami sumakay) Nagkkwentuhan ulit kami ni jay tungkol sa matandang lalakeng pulubi.. pagkababa ko, dahil sa tsimoso ang driver na nsa tabi ni jay.. bgla cyang kinausap.. " meron talga.. meron talgang palakad lakad na matandang mahabang buhok sa may lumang gasolinahan kahit na maliwanag.."


Creepy..


BTw, after 1 yr, ngaun lang ako ulit nagsuot ng contact lens dahil mataas na ang grado ng mata ko.at di ko na matiis na wala akong makita sa malayuan. NUng una, tuwang tuwa ako kasi nakikita ko na ang mga bagay na di ko nakikita dati.. pero bakit ganun.. kasama ba ng paglinaw ng mga mata ko ang makakita ng mga tao, hayop at bagay na di nakikita ng iba?

1 comment:

  1. Nice ganda bro. Hindi kalang author ng pinoy pocket book. Pati horror book. Katakot. Bawat word binasa ko. Talagang nakalkula kung ilang years nang hindi naliligo ang pulubi... :P

    ReplyDelete