Friday, December 3, 2010

Shoplifter daw ako?! =S


Amp! nakakaasar talga! nakakahiya! Badtrip ang nagyari sa kin ngaung araw na ito..galing akong Sm north kanina. Naisipan kong magwindow shopping. Nagsusukat ako ng relo, may nakita akong color white na relo.Noong una ayoko ipakuha sa saleslady kasi nahihiya ako. pero dahil narin siguro sa naamazed ako sa mamula-mulang pisngi nya at akala mo isinawsaw ang labi sa isang litrong mantika sa kapal ng lipgloss nya, nakumbinsi akong isukat. gstong gsto ko ang dating ng relong puti,ndi dahil pag pinindot mo cya ay magkakaroon ng special powers kundi sobrang linis mong tingnan pag suot mo parang fresh na fresh ka kahit di ka maligo ng apat na buwan...


habang namimili at tumitingin tingin ako ng mga relo. bglang tumunog ang aking bagong biling IPHONE4. May bglang nagtext. Ang crush na crush kong si Maja Salvador. Nakilala ko kasi cya sa shooting ng bespren kong si Manel sa pelikulang THELMA. Naging close kami. at nakakhiya mang isipin pero kinikilig ako.. "Good day!" sabi nya. at ako'y nagreply.. "Hi. msta. buti napatext ka.." issend ko na dapat kaso naalala ko.. wala pala akong load kaya di ko na muna nireplyan.

dahil siguro sa sobrang kilig... ewan ko na lang ba sa turkeyng green!!! NAKALIMUTAN KONG TANGGALIN SA KAMAY KO!!! Sinundan ako ng saleslady.. at dahil busy ako sa kakatingin tingin, di ko namalayan na ako pala ung hinahabol nya.. pagka-talikod ko nakita ko cyang tumatakbo at sumisigaw (slow-mo).Pinatanggal sakin yung relo at dinala ako sa office of d manager. Kahit anong explain ko na nakalimutan ko lang talagang tanggalin ang white na relo na wala namang special powers, ayaw tlaga nilang maniwala..

"kailangan mong bayaran yung ninakaw mo ng times 10!" sabi nung security manager na akala mo nakalunok ng isang sako ng sibuyas dahil sa laki ng tyan nya at baho ng hininga.. "ndi ko nga po sinsadya yan. at hello?! bakit ko namn gagawin un eh 400 lang namn ung relo na yan. bakit ko nanakawin..!" Puro paliwanag at depensa ang ginawa ko, kaso ayaw nilang maniwala. Pinasulat nila ako sa 1/8 illustration boar at ppicturan daw nila ako dahil shoplifter ako. Hiyang hiya ako nung oras na yun. gsto ko itext man lang o tawgan mga kaibgan ko o nanay ko kaso wala akong load.. wala na akong magawa kundi sundin sila.. =(

pagflash ng camera, nasilaw ako. pagdilat ko nakita ko na lang ang isang ceiling na may mga alikabok... di ko agad marecognized kung nsan ba ako. akala ko nasa hospotal ako at hinimatay lang dahil sa tindi ng nerbyos at tindi ng flash ng camera nila...Bglang bumukas ang pinto.. may nagsalita.. "KUMAIN KA NA!!!" Paglingon ko.. kapatid ko...

Haizz.. panaginip lang pala =p

6 comments:

  1. haha
    nakakatawa naman toh
    victim ako XD

    ReplyDelete
  2. hahaha.. ok naniwala na sana ako bro.. :P

    ReplyDelete
  3. Hahaha... kulet.. :P

    I had fun reading your blogs, may multiply ka rin pala dati. anyway, xlinks tayo. :P

    ReplyDelete
  4. tnx.. by the way, wat s xlinks? sori. =p

    ReplyDelete
  5. whahaha lumang story na to.. muntik na rin ako maniwala dito noong nagkwento sa akin to ng HS eh.. heheh :D
    anyway kuya yung xlink mean lalagay mo siya sa blogroll mo para ilagay ka rin niya sa blogroll niya gets :D

    ReplyDelete